Wednesday, August 8, 2018

MAHALIN AT PAHALAGAHAN ANG WIKANG PAMBANSA

Ang ating Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang natanggap natin mula pa sa ating ninuno. Ito ang wikang ginagamit natin para tayong lahat ay magkaunawaan tungo sa magandang ugnayan sa isa't isa.
Sa henerasyon natin ngayon ay unti unti nang kinakalimutan at minamaliit ang sarili nating wika. Kailangan nating pahalagahan at ipagmalaki ito nang sa ganon ay maipasa pa ito at mahalin ng mga susunod na henerasyon. Marami rami nang pagbabago ang naganap sa ating kapaligiran. Hindi masama ang magbago ngunit huwag natin isama na baguhin ang ating lenggwahe dahil ito ang wikang kinagisnan natin mula pagkabata natin at ito ang wikang nagsilbing tulay upang magkaroon tayo ng magandang ugnayan sa isa't isa. Laging tandaan na hindi dapat minamaliit ang lenggwahe natin sa halip ay ipagmalaki natin ito sa nakakarami, sa mga dayuhan na nagpupunta sa ating bansa, at sa mga susunod pang henerasyon.
Mahalin, pahalagahan, at gamitin ang ating wika, dahil ang wika ay isa sa mga rason upang magkaroon ng maayos na palilitungo sa isa't isa at magkaroon ng maunlad na bansa.

3 comments:

  1. You did an excellent job Marga.

    ReplyDelete
  2. kay ganda ng iyong artikulo. gusto ko yunnnnn!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  3. tama si nicole, kay gandaaaaa ng iyong artikulo

    ReplyDelete

REFLECTION: A CHALLENGING QUARTER

My Junior high school journey is about to end, we only have 3 remaining weeks to be together and enjoy each others company. It was like ye...